Saturday, August 18, 2012

Unang Araw ng Fiesta


Noong Agosto 15, 2012 ay naganap ang unang araw ng Anwal Fiesta ng Ateneo de Davao University. Sa panahong iyon ay maraming napakasaya at mala-grandeng kaganapan. Maliban sa parada mula sa San Pedro Church patungong Ateneo ay masasaksihan din ang makukulay na booths ng iba’t-ibang mga klub. Pagsapit naman ng gabi ay mayroon namang “Star Search” at “Musicahan” na nakahanda. Dahil sa napakaraming masasayang kaganapan masasabi ko ngang ang unang araw ng Fiesta ay tunay na isa sa mga araw na hinding hindi ko malilimutan.
                
Aaminin kong sa lahat ng Fiestang naganap sa Ateneo ay kauna-unahan beses kong dumalo sa lahat ng kasiyahan. Ang unang kaganapan na aking nilahokan ay ang parade mula sa simbahan ng San Pedro patungong AdDU. Marami masyadong nakaka-engganyong bagay-bagay na mamamasdan sa parada, tulad na lang ng makukulay na banners at naggagandahang costumes ng mga estudyanteng nagmumula sa iba’t-ibang partisyon. Habang nagaganap naman ang parada ay maririnig ang mga sigawan ng iba’t-ibang cheers galing sa iba’t-ibang sangay na kurso na bumubuo sa kalahatang edukasyon ng Ateneo.

            
Ikalawang pangyayari ay ang paglaro ko at ng aking kaibigan na sina Carol, Ray, Nicole, at Althea sa palarong nakahanda sa mga booths. Ang unang booth na aming napili ay ang booth na pinag-aari ng samahan ng Bahaghari. Sa larong iyon ay kailangang maitapon mo sa loob ng plastic cup na naglalaman ng tubig ang ping-pong ball. Sa aming paglalaro na naglayong lang upang masiyahan ay nagtulak pa upang manalo kami ng sampung piso. Maliit man ito na premyo ay napakaganda naman ng pakiramdam na manalo. Sumunod naman ang booth sa BSM sa aming binisita, ang laro naman na kanilang inihanda ay ang larong darts. Kahit walang nanalo sa amin maliban na lang kay Althea ay naging paraan naman ito upang mapag-alaman namin na may binebenta silang mga tiket para sa “Star Search”. Dahil limitado ang istak ng tiket sa aming dibisyon ay makikitang napkagandang pagkakataon ito.


               
Sumunod sa aming kasiyahan ang pagpapanood ng “Star Search” na ginanap sa 7th floor Auditorium. Bawat dibisyon (Humanities and letters, Engineering and Architecture, Social Studies, Computer Science, Accountancy, Bachelor of Science in Management) ay may kanya-kanyang representante na lumahok sa awitan. Bagamat silang lahat ay talagang mahusay sa pagkanta ay ang mas naka-agaw pansin ay ang kumatawan sa Accountancy division. Gamit ang kanyang napakagandang boses at galing sa pagsasayaw ay madali niyang napanalunan ang paligsahan.


Sa kahulihang pagligsahan na aming dinaluyan ay ang “Musicahan”. Masasabi kong ito ang isa sa mga napaka-sayang pangyayari sa unang araw ng Fiesta. Maraming magagaling na banda na nagpakitang gilas sa tugtugan at kantahan. Mayroon ding “Fire dancers” na gumanap bago nagsimula ang Musicahan, ipinakita nila ang iba’t ibang koreograpia na walang anumang bahid ng takot na mapaso.
              
Natapos ang unang araw ng fiesta nang malapit na mag alas-onse ng gabi. Araw man ito na nakakapagod ay sulit din naman dahil punong-puno ito ng kasiyahan. Marami akong nasaksihang kaganapang minsan lang mangyari sa isang taon. Sana nga ang susunod na Fiesta ay kasing saya ng Fiesta ng taong 2012.

No comments:

Post a Comment