Ang ikalawang araw ng Fiesta ay kasing saya pa rin ng unang araw
kahit na mas kaunti ang mga pandiriwang na mayroon ito. Tulad sa unang araw ay
mayroon ding booths na may larong inihanda. Ngunit sa ikalawang araw ay
dalawang pangyayari lamang ang masasabi kong talagang nakatatak sa aking isipan.


Ang natatanging paligsahan na aking pinuntahan kasama ang mga kaibigan kong sina Althea at Carol ay ang “Sayawten”. Ipinamalas ng iba’t ibang dibisyon ang kanilang talento sa pagsasayaw. Ang mga dibisyon na talagang nagustuhan ko ay ang Nursing at Accountancy. Lahat naman sila ay magagaling sa sayawan ngunit ang dalawang ito ang tiyak na nakakuha sa aking atensyon. Siguro ang nagustuhan ko sa sayaw ng Nursing ay dahil parang may kwento sa likod ng kanilang koreograpia habang ang sa Accountancy naman ay talagang nakakaiba kung ikukumpara sa iba. Hindi katulad ng ibang sayaw na nakakatuwa o kaya’y nakaka-giling, ang sayaw ng Accountancy ay medyo seryoso at parang nagmumukhang baley ang galaw. Sa katapusan nga ng paligsahan ay hindi nakakatakang panalo ang Accountancy. Maliban sa sayawan ay may “henna tattoo contest” at “Jazz up your jeans contest” na naganap. Inilahad dito ang galing ng mga artists at designers, kasama na rin sa mga nagpakita ng talento ang mga modelong rumampa ng mga jeans at tattoo.
Sa pagkatapos
ng "Sayawten" ay sinundo na kami ng aking ina na nagsdesisyong kumain muna kami
ng tanghalian sa bistrong nagngangalang "Yellow Hauz". Maliban sa napakasarap
nilang Bangus ala King at Chicken Pesto ay nag-order din kami ng ham and bacon pizza
at Yellow Hauz special pizza. Sulit na sulit ang aming pagpunta sa Yellow Hauz
dahil hindi lamang masarap ang kanilang pagkain ay maganda rin ang ambiance ng lugar.
 |
Yellow Hauz Special pizza |
 |
Ham and Bacon pizza |
 |
Chicken Pesto |
 |
Bangus ala king |
 |
Pink lemonade |
Marami akong
bagong karanasang napagdaanan sa ikalawang araw ng fiesta. Unang beses kong
pumunta at manood ng "Sayawten" at unang beses ko ring makapunta sa “Yellow
Hauz”. Mas naging makahulugan pa ito dahil naipamahagi ko ang karanasang iyon
sa aking mga kaibigan, gayon nga lang ay sayang at kulang kami noon at wala
sila Ray at Nicole. Ngunit sa kabuuan ay napakasaya naman ng ikalawang araw ng
fiesta.
No comments:
Post a Comment