Agosto 17, 2012 ay ang araw na nakalaan para sa Kadayawan. Ito ay
isang pagdiriwang na isang beses lamang mangyari sa isang taon sa lungsod ng
Davao. Habang ang ibang tao ay dumalo at nakilahok sa kasiyahan ay nagdesisyon
na lamang akong ubusin ang araw sa pagpahinga sa bahay. Sa dalawang magkasunod
na araw na mag aalas-onse sa gabi ang aking uwi sa bahay ay naisip kong dapat ko nang
mainumbalik ang aking lakas. Kaya tanghali na akong gumising at inubos ko ang
buong araw sa pagpanood ng TV.
![]() |
http://images4.fanpop.com/image/photos/21100000/Pirates-of-the- Caribbean-On-Stranger-Tides-Posters-pirates-of-the-caribbean- 21175443-800-1185.jpg |
Isa sa mga
pelikulang aking pinanood noong Biyernes ay ang kilalang “Pirates of the
Caribbean: On Stranger Tides”. Ito ang serye kung saan hinanap ni Captain Jack Sparrow
ang Fountain of Youth. Ang
kawili-wiling parte sa pelikula ay ang ideya na ipinalabas nila tungkol sa dito. Kakaiba sa
paniniwala ng karamihan na sa pag-inom lamang ng tubig sa Fountain ay mapapahaba na ang buhay, ay
ipinakita sa palabas na kinakailangan pa ng dalawang partikular na pilak na
kalis at ng luha ng sirena upang maging epektibo ito. Isinaad din dito na hindi basta bastang mapapahaba
ang buhay na isang tao. Upang madagdagan ang taon sa buhay ay
kailangan mong nakawin ang mga taon sa buhay ng ibang tao. Nakaka-intriga ang hindi pangkaraniwang perspektibo ng manunulat at direktor ng film. Sobrang nakalilibang ang pelikulang "Pirates of the Caribbean", lalong-lalo na at ang magaling na aktor na si Johnny Depp ang gumanap na bida ng sine.
Kahit hindi ko
man nasaksihan ang makulay na pagsalubong ng mga Dabawenyo sa araw ng kadayawan
ay naging masaya naman rin ang aking araw. Hindi man kasing grande ang aking araw kumpara sa mga araw na dumaan, ay naging masaya naman ako sapagkat maliban sa aking pagpapahinga ay nawili rin ako sa panonood ng TV.
No comments:
Post a Comment