Saturday, August 25, 2012

indak, Davao, indak!


Ang araw ng Kadayawan ay isa sa mga tanyag na pagdiriwang na nagaganap sa lungsod ng Davao. Ang Kadayawan na nanggaling sa salitang Mandaya na mandayaw. Ito ay isang ritwal kung saan nagtitipon-tipon ang iba’t-ibang tribo na naninirahan sa paanan ng Mount Apo upang magbigay pugay sa Manama dahil sa masaganang ani. Sa katotohanan nga ay sa pagsalubong sa pangyayaring ito ay hindi nag-iisa ang mga Dabawenyo, ito nga ay isa sa mga dahilan sa pagdagsa ng mga dayuhan at mga katauhang galing pa sa iba’t ibanag parte ng bansa. Sa mala-grandeng pangyayari rin nato ay makikitaan ng maraming klaseng kasiyahan tulad na lang ng pagpapakita ng iba’t ibang parada, pagdalo ng mga sikat na artista at mang aawit, mga kawil-wiling na paligsahan, mga bentahan ng kagamitan sa napakamurang halaga, at iba pang tradisyong nagaganap sa Kadayawan.

Kasali sa pagsalubong ng Kadayawan ang pagpapakita ng iba’t ibang parada, isa na dito ang Floral Float Parade na tunay na nakakabighani. Nagagandahan ang mga paradang ito dahil na sa mga bulaklaking disenyo nito. Hindi rin mawawala ang parada ng sampung tribo na nagrerepresenta sa mga tribo ng Davao: Ata, Matigsalug, Ovu-Manuvo, Klata-Djangan, Tagabawa, Tausog, Maguindanao, Maranao, Kagan, at Sama. Dito makikita ang mga koreograpiyang na sayaw na inihanda para sa Indak-Indak, maliban sa galing at sabayan ng galaw ng mga mananayaw ay nakaka-agaw pansin din ang makukulay at magagandang costumes. 

Link:  http://pinoyweekly.org/new/2010/08/pasasalamat-sa-ani/ 

Link: http://www.mindanews.com/photo-of-the-day
/2012/08/19/indak-indak-sa-kadalanan-2/
 

Tulad ng mga dayuhang dumalo sa Davao tuwing Kadayawan ay marami ring mga kilalang artista at mang-aawit na nabighaning maki-isa sa kasiyahan. Ang mga artistang tulad ni Coco Martin, Luiz Manzano, Jake Cuenca, John Lloyd Cruz, Maja Salvador, Jessie Mendiola, at Angelica Panganiban. Hindi rin nagpapahuli sa salo-salo ang masisikat na banda, nasaksihan din sa Kadayawan ang pagtugtug ng mga bandang Kamikazee at Sponge Cola.

Link:  http://pinoycelebritynews.blogspot.com/


Link:  http://www.1tna.com/s/183/sponge-cola-jeepney-lyrics.html 

May ibang paligsahan din maliban sa Indak-Indak tulad na lang ng “Hiyas ng Kadayawan”, tulad ng Indak-Indak ay kinakailangan din ditto ng isang representante na nanggagaling sa bawat tribo ng Davao. Dito ay ipinamalas ng mga representante yaman ng kultura na kanilang tribo sa pagmamagitan ng paglahad ng kasuotan, sayaw, musika, at iba pang naiibang katangian ng kanilang kultura. Magkasing tulad din ito sa Miss Universe o kaya ay Miss Philippines kung saan ay maraming naggagandahang kababaihanang nakipagtimpalak upang manalo.

Isa rin sa mga napakasayang pangyayari sa Kadayawan ay ang sale sa iba’t-ibang malls sa Davao tulad na lang ng SM, Gaisano mall, NCCC mall, at JS Gaisano. Halos lahat ng kagamitan galing sa sapatos patungo sa mga gadgets ay kasali na sa discount. Maliban sa sale ay marami rin ang mabibiling souvenirs sa araw ng Kadayawan, halimbawa nito ay ang mga key chain, t-shirt at bag.

Kasama rin dito ang misa at kainan na nagaganap tuwing Kadayawan. Siyempre kasali na rin sa nakasanyang tradisyon ng mga Pilipino ang magbigay puri sa panginoon lalong lalo na sa tuwing may pagdiriwang kaya ay hindi na nakakapanibago ang pagsisimula ng kasiyahan ng isang banal na misa. marami ring kainan at inuman ang nangyayari tuwing Kadayawan kaya kung iyong mapapansin ay maraming San Miguel booths ang nakadisenyo sa mga kalsada tuwing sa mga panahong ito.

Napakasaya talaga ng araw ng Kadayawan at sa aking nasaksihang mga kasiyahang nakahanda para sa Kadayawan ay masasasabi kong walang katulad ang pangyayaring ito kahit saan man sa mundo.

Sunday, August 19, 2012

Matahimik kong Kadayawan


Agosto 17, 2012 ay ang araw na nakalaan para sa Kadayawan. Ito ay isang pagdiriwang na isang beses lamang mangyari sa isang taon sa lungsod ng Davao. Habang ang ibang tao ay dumalo at nakilahok sa kasiyahan ay nagdesisyon na lamang akong ubusin ang araw sa pagpahinga sa bahay. Sa dalawang magkasunod na araw na mag aalas-onse sa gabi ang aking uwi sa bahay ay naisip kong dapat ko nang mainumbalik ang aking lakas. Kaya tanghali na akong gumising at inubos ko ang buong araw sa pagpanood ng TV.

http://images4.fanpop.com/image/photos/21100000/Pirates-of-the-
Caribbean-On-Stranger-Tides-Posters-pirates-of-the-caribbean-
21175443-800-1185.jpg
                
Isa sa mga pelikulang aking pinanood noong Biyernes ay ang kilalang “Pirates of the Caribbean: On Stranger Tides”. Ito ang serye kung saan hinanap ni Captain Jack Sparrow ang Fountain of Youth. Ang kawili-wiling parte sa pelikula ay ang ideya na ipinalabas nila tungkol sa dito. Kakaiba sa paniniwala ng karamihan na sa pag-inom lamang ng tubig sa Fountain ay mapapahaba na ang buhay, ay ipinakita sa palabas na kinakailangan pa ng dalawang partikular na pilak na kalis at ng luha ng sirena upang maging epektibo ito. Isinaad din dito na hindi basta bastang mapapahaba ang buhay na isang tao. Upang madagdagan ang taon sa buhay ay kailangan mong nakawin ang mga taon sa buhay ng ibang tao. Nakaka-intriga ang hindi pangkaraniwang perspektibo ng manunulat at direktor ng film. Sobrang nakalilibang ang pelikulang "Pirates of the Caribbean", lalong-lalo na at ang magaling na aktor na si Johnny Depp ang gumanap na bida ng sine.
                
Kahit hindi ko man nasaksihan ang makulay na pagsalubong ng mga Dabawenyo sa araw ng kadayawan ay naging masaya naman rin ang aking araw. Hindi man kasing grande ang aking araw kumpara sa mga araw na dumaan, ay naging masaya naman ako sapagkat maliban sa aking pagpapahinga ay nawili rin ako sa panonood ng TV.

Ikalawang Araw ng Fiesta


Ang ikalawang araw ng Fiesta ay kasing saya pa rin ng unang araw kahit na mas kaunti ang mga pandiriwang na mayroon ito. Tulad sa unang araw ay mayroon ding booths na may larong inihanda. Ngunit sa ikalawang araw ay dalawang pangyayari lamang ang masasabi kong talagang nakatatak sa aking isipan.         


Ang natatanging paligsahan na aking pinuntahan kasama ang mga kaibigan kong sina Althea at Carol ay ang “Sayawten”. Ipinamalas ng iba’t ibang dibisyon ang kanilang talento sa pagsasayaw. Ang mga dibisyon na talagang nagustuhan ko ay ang Nursing at Accountancy. Lahat naman sila ay magagaling sa sayawan ngunit ang dalawang ito ang tiyak na nakakuha sa aking atensyon. Siguro ang nagustuhan ko sa sayaw ng Nursing ay dahil parang may kwento sa likod ng kanilang koreograpia habang ang sa Accountancy naman ay talagang nakakaiba kung ikukumpara sa iba. Hindi katulad ng ibang sayaw na nakakatuwa o kaya’y nakaka-giling, ang sayaw ng Accountancy ay medyo seryoso at parang nagmumukhang baley ang galaw. Sa katapusan nga ng paligsahan ay hindi nakakatakang panalo ang Accountancy. Maliban sa sayawan ay may “henna tattoo contest” at “Jazz up your jeans contest” na naganap. Inilahad dito ang galing ng mga artists at designers, kasama na rin sa mga nagpakita ng talento ang mga modelong rumampa ng mga jeans at tattoo.

Sa pagkatapos ng "Sayawten" ay sinundo na kami ng aking ina na nagsdesisyong kumain muna kami ng tanghalian sa bistrong nagngangalang "Yellow Hauz". Maliban sa napakasarap nilang Bangus ala King at Chicken Pesto ay nag-order din kami ng ham and bacon pizza at Yellow Hauz special pizza. Sulit na sulit ang aming pagpunta sa Yellow Hauz dahil hindi lamang masarap ang kanilang pagkain ay maganda rin ang ambiance ng lugar.


Yellow Hauz Special pizza

Ham and Bacon pizza

Chicken Pesto

Bangus ala king

Pink lemonade

Marami akong bagong karanasang napagdaanan sa ikalawang araw ng fiesta. Unang beses kong pumunta at manood ng "Sayawten" at unang beses ko ring makapunta sa “Yellow Hauz”. Mas naging makahulugan pa ito dahil naipamahagi ko ang karanasang iyon sa aking mga kaibigan, gayon nga lang ay sayang at kulang kami noon at wala sila Ray at Nicole. Ngunit sa kabuuan ay napakasaya naman ng ikalawang araw ng fiesta.





Saturday, August 18, 2012

Unang Araw ng Fiesta


Noong Agosto 15, 2012 ay naganap ang unang araw ng Anwal Fiesta ng Ateneo de Davao University. Sa panahong iyon ay maraming napakasaya at mala-grandeng kaganapan. Maliban sa parada mula sa San Pedro Church patungong Ateneo ay masasaksihan din ang makukulay na booths ng iba’t-ibang mga klub. Pagsapit naman ng gabi ay mayroon namang “Star Search” at “Musicahan” na nakahanda. Dahil sa napakaraming masasayang kaganapan masasabi ko ngang ang unang araw ng Fiesta ay tunay na isa sa mga araw na hinding hindi ko malilimutan.
                
Aaminin kong sa lahat ng Fiestang naganap sa Ateneo ay kauna-unahan beses kong dumalo sa lahat ng kasiyahan. Ang unang kaganapan na aking nilahokan ay ang parade mula sa simbahan ng San Pedro patungong AdDU. Marami masyadong nakaka-engganyong bagay-bagay na mamamasdan sa parada, tulad na lang ng makukulay na banners at naggagandahang costumes ng mga estudyanteng nagmumula sa iba’t-ibang partisyon. Habang nagaganap naman ang parada ay maririnig ang mga sigawan ng iba’t-ibang cheers galing sa iba’t-ibang sangay na kurso na bumubuo sa kalahatang edukasyon ng Ateneo.

            
Ikalawang pangyayari ay ang paglaro ko at ng aking kaibigan na sina Carol, Ray, Nicole, at Althea sa palarong nakahanda sa mga booths. Ang unang booth na aming napili ay ang booth na pinag-aari ng samahan ng Bahaghari. Sa larong iyon ay kailangang maitapon mo sa loob ng plastic cup na naglalaman ng tubig ang ping-pong ball. Sa aming paglalaro na naglayong lang upang masiyahan ay nagtulak pa upang manalo kami ng sampung piso. Maliit man ito na premyo ay napakaganda naman ng pakiramdam na manalo. Sumunod naman ang booth sa BSM sa aming binisita, ang laro naman na kanilang inihanda ay ang larong darts. Kahit walang nanalo sa amin maliban na lang kay Althea ay naging paraan naman ito upang mapag-alaman namin na may binebenta silang mga tiket para sa “Star Search”. Dahil limitado ang istak ng tiket sa aming dibisyon ay makikitang napkagandang pagkakataon ito.


               
Sumunod sa aming kasiyahan ang pagpapanood ng “Star Search” na ginanap sa 7th floor Auditorium. Bawat dibisyon (Humanities and letters, Engineering and Architecture, Social Studies, Computer Science, Accountancy, Bachelor of Science in Management) ay may kanya-kanyang representante na lumahok sa awitan. Bagamat silang lahat ay talagang mahusay sa pagkanta ay ang mas naka-agaw pansin ay ang kumatawan sa Accountancy division. Gamit ang kanyang napakagandang boses at galing sa pagsasayaw ay madali niyang napanalunan ang paligsahan.


Sa kahulihang pagligsahan na aming dinaluyan ay ang “Musicahan”. Masasabi kong ito ang isa sa mga napaka-sayang pangyayari sa unang araw ng Fiesta. Maraming magagaling na banda na nagpakitang gilas sa tugtugan at kantahan. Mayroon ding “Fire dancers” na gumanap bago nagsimula ang Musicahan, ipinakita nila ang iba’t ibang koreograpia na walang anumang bahid ng takot na mapaso.
              
Natapos ang unang araw ng fiesta nang malapit na mag alas-onse ng gabi. Araw man ito na nakakapagod ay sulit din naman dahil punong-puno ito ng kasiyahan. Marami akong nasaksihang kaganapang minsan lang mangyari sa isang taon. Sana nga ang susunod na Fiesta ay kasing saya ng Fiesta ng taong 2012.